7 Steps To Make Your New Year's Resolutions Stick

7 Steps To Make Your New Year's Resolutions Stick


Date Posted: January 22, 2020

Ngayong taon, gusto kong magpapayat.

Ngayong taon, gusto kong kumita.

Ngayong taon, gusto kong ma-promote.

Ngayong taon, gusto kong makahanap ng bagong trabaho.

Gunitain mo ang panibagong dekada na may tiwala sa sarili mo. Sabihin mo: Ngayong 2020, matutupad ang mga New Year’s resolutions ko. Kayang kaya mo naman „yan. Kailangan mo lang ng sipag at tiyaga. (Alam mo naman na sigurong ito ang mga sangkap para makaluto ng nilaga.)

Bukod sa sipag at tiyaga, kailangan mo rin ng kaunting karunungan sa pagkamit ng New Year?s resolutions mo. Sundan mo ang mga hakbang na ito at tataas ang tsanang magkatotoo ang mga New Year?s resolutions mo.

  1. Suriin mo ang nakaraan mong taon
    Bago ka mag-plano para sa kinabukasan, suriin mo muna ang nakaraan. Importante ito para alam mo kung paano magtakda ng makatotohanang New Year?s resolutions ayon sa kung nasaan ka ngayon. Maaari kang masimula sa mga susunod na tanong:
    • Ano ang mga achievements ko sa trabaho?
    • Ano ang mga bagay na gusto ko pang gawin sa susunod na taon?
    • Ano ang mga bagay na ayaw ko nang gawin sa susunod na taon?
    • Ano ang mga nakatulong sa kaunlaran ko sa trabaho?
    • Ano ang mga nakagambala sa kaunlaran ko sa trabaho?
    • Kailan ako naging masaya at bakit?
    • Saan ako gumastos ng pinakamalaki?
    • Saan ako pinakana-stress?
    • Kung titignan ko ang buong 2019, ano ang mararamdaman ko?
       
  2.  I-visualize ang sarili sa dulo ng taon
    Pagkatapos mong suriin ang nakalipas na taon, i-imagine mo naman ang dulo ng 2020. Ano ang nakikita mo? Ano ang gusto mong maramdaman makalipas ang isang taon? Ano ang mga pagbabagong gusto mong makamit?

    Para sa ibang tao, makatutulong ang paglalarawan ng “dream future self.” Pwede kang mag-drawing. O hindi kaya, pwede ka ring magsulat ng liham para sa future self mo. Dito mo makikita kung ano ang mga tunay na hinahangad mo para sa sarili mo.
     
  3. Ilista ang mga hakbang para makamit ang “dream future self” mo
    Kaya nasisira ang New Year?s resolutions ng karamihan ay dahil nagsisimula sila sa hakbang na ito. Pero dapat, maglilista ka na lang ng New Year?s resolutions matapos mong i-assess ang sitwasyon mo at matapos mong tignan ang mga prioridad mo. Nagawa mo na ang mga ito sa una at pangalawang hakbang.

    Ngayon, pwede ka nang maglista ng mga makatotohanang New Year?s resolutions. Maglista ka ng ilang mga aksyong gusto mong simulan, ilang gusto mong ipagpatuloy, at ilang gusto mong itigil.
     
  4. Unahin ang mga mahahalaga
    Matapos mong ilista ang lahat ng New Year?s resolutions mo, ilista mo sila base sa prioridad mo. Tapos, lagyan mo ng deadline ang pagkamit ng bawat New Year?s resolution. Unahin mo ang mga mahahalaga. Kung kinakailangan, magbawas ka ng ilang resolutions para makapag-focus ka sa kung ano ang importante. Mas mabuti nang may natatapos ka, kahit na matagal mo itong gawin, kaysa sa puro ka lang simula.
     
  5. Gawing habits ang New Year’s resolutions
    Madaling mangarap ng pangmalakihan, pero mahirap ito aksyonan. Para makamit mo ang New Year?s resolutions mo, gawin mong habits ang mga ito. Huwag mong biglain ang sarili mo kaagad. Pwede kang magsimula sa isa o dalawang habits muna. Ayon sa agham, kapag ginagawa mo ang bagay ng 21 na araw, magiging habit mo na ito. Sa madaling salita, magtiis ka ng 21 na araw. Kalaunan, dadali rin ang mga habits na ito.
     
  6. Gantimpalaan mo ang sarili mo
    Tuwing may naaabot kang New Year?s resolution, bigyan mo ng reward ang sarili mo. Siguraduhin mo lang na ang reward na ito ay isang bagay na makakapag-udyok sa iyong magpatuloy sa iba pang New Year?s resolutions mo. Kung ang New Year?s resolution mo ay maging mas healthy, iwasan mong gawing reward ang chichirya. Pwede mong regaluhan na lang ang sarili mo ng bagong gym clothes o running shoes.
     
  7. Hayaan mo ang sarili mong matuto
    Kung magbago ang mga hangarin mo sa gitna ng taon, walang problema doon. Huwag mong isiping sayang ang kahit anong senyales ng pag-unlad. Araw-araw, maging alerto ka lang sa iba?t ibang oportunidad. Ituloy mo lang ang pag-aaral ng kung ano-ano. Kung career growth ang hangarin mo ngayong taon, ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng articles sa WorkAbroad.ph. Marami kang matututunan dito tungkol sa pagtatrabaho sa ibang bansa, at tiyak na makatutulong ito sa iyo.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad