Improve Your Overseas Job Search With These 5 Tricks

Improve Your Overseas Job Search With These 5 Tricks


Date Posted: January 22, 2020

And finally land a job…

Hanggang ngayon ba, nangangarap kang mag-trabaho sa ibang bansa? O baka naman nasa ibang bansa ka na, ngunit wala ka sa trabahong matagal mo nang pinapangarap? Ano ang mga humahadlang sa iyo?

Kulang ka pa ba sa karanasan? Nag-iipon ka pa ba ng experience? O baka nag-iipon ka pa ng pera? Kulang ka pa ba sa connections? O sadyang hindi ka lang talaga makahanap ng trabaho sa abroad na para sa iyo?

Kung nahihirapan kang makahanap ng swak na trabaho para sa sarili mo, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa. Ito ang ilang techniques para humusay ka sa paghahanap ng trabaho abroad.

  1. Kilalanin ang nangungunang overseas job site
    Kung hindi mo pa alam kung saan magsisimula sa paghahanap ng trabaho abroad, magtungo ka sa pinakamahusay na overseas job site para sa mga Pilipino. Kilala ang WorkAbroad.ph bilang nangungunang overseas job board sa Pilipinas. Daan daan ang nakalistang mga trabaho rito para sa mga gustong maging OFW. Magandang lugar ito para makahanap ka ng trabaho sa ibang bansa dahil dito matutulungan kang ipakilala ang sarili mo sa iba’t ibang ahensya.
     
  2. Pag-igihan ang online profile
    Sa panahong ito, malaking bagay na ang “online presence.” Mas madali kang mapansin ng mga recruiter kung malakas ang “online presence” mo. Siguraduhin mong malinis ang social media profiles mong naka-public. Kung may account ka sa overseas job site, i-fill up mo ito ng mabuti. Seryosohin mo ang online profile mo para magmukha kang seryoso sa paghahanap ng trabaho.
     
  3. Sumali sa online groups
    Maraming online groups ngayon para sa mga nangangarap maging OFW. Sa Facebook pa lang, pwedeng pwede ka nang sumali sa mga groups o group chats na magdadala sa iyo sa community ng mga OFWs. Kayo-kayo ang magtutulungan at magsusuportahan sa pangarap niyong magtrabaho sa ibang bansa. Siguraduhin mo lang ding makakapag-ambag ka ng tulong sa online community mo. Bakit hindi mo sila irefer sa ilang mga articles para sa OFW?
     
  4. Matuto ng mas marami pang skills
    Kasama sa pagpapalakas ng presensya mo sa mata ng mga recruiter ang pagkakaroon ng maraming skills, experience, at certifications. Habang naghihintay ka sa trabahong pinapangarap mo, subukan mong magpalista sa mga seminar o klase na may kaugnayan sa pinapasukan mong industriya. Palawakin mo ang skill set mo. Mas maganda ring may certificates ang mga seminar na papasukan mo.

Bonus: Kilalanin ang sarili

Bago ka sumabak sa job interview, dapat kilala mo na ang sarili mo. Alamin mo ang mga kalakasan mo at ang mga kahinaan mo. I-assess mo kung hanggang saan ang kaya mo at hanggang saan ang handa mong isakrispisyo. Kapag nakita ng recruiter ang pagiging sigurado at desidido mo sa trabahong pinag-aapplyan mo, malamang magkakaroon siya ng kumpiyansa sa iyo.

Importante rin ang pagkikilala mo sa sarili mo para alam mo kung saan ka dapat magapply. Baka naman hindi ka pa kwalipikado sa job level nang ina-applyan mong trabaho. Kung gayon, importanteng magsimula ka sa mga trabahong kwalipikado ka. Mas mainam na mag-simula ka sa entry-level job position na pareho sa industriyang pinapangarap mo.

Sa WorkAbroad.ph, may iba’t ibang trabaho para sa kahit sinong Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa. Kahit pa fresh graduate ka o high school graduate, pwede mong i-customize ang job hunt mo para sa mga trabahong swak para sa iyo.

Ang pinakaimportante sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay ligtas at legal ang proseso ng ginagawa mo. Maging sigurista ka na at simulan mo nang maghanap ng trabaho sa WorkAbroad.ph. Dito, lahat ng nakalistang trabaho at ahensya ay nai-certify ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Para sa iba pang tips para sa OFWs, magtungo ka sa WorkAbroad.ph.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad