Steps Kung Paano Makakakuha ng Special Power of a Attorney

Steps Kung Paano Makakakuha ng Special Power of a Attorney


Date Posted: March 06, 2020

May kailangan ka bang i-process na document or request tulad ng loans kaso hindi maaari dahil ikaw ay paalis na o nasa ibang bansa na? Makakatulong sa’yo ang Special Power of Attorney or SPA na isang legal document na nag-o-authorize sa isang representative na gawin ang isang transaction kahit ikaw ay nasa abroad.
Kahit sino ay pwede mo i-appoint as your ‘Attorney-in-Fact’ basta ito ay isang taong pinagkakatiwalaan mo at nasa tamang edad pero nire-require, lalo na sa ibang uri ng SPA, na dapat ito ay iyong immediate family. Tinawag namang ‘principal’ ang OFW na nagnanais magproseso ng SPA. Ito ang steps na kailangang sundin para makakuha ng SPA:
  1. Alamin ang uri ng SPA na kailangan
    Nakadepende ang proseso ng pagkuha ng SPA sa kung saan mo ito na-file. Kung ikaw ay nasa bansa pa, ito ay tinatawag na Notarized Special Power of Attorney o NSPA. Ngunit kapag nasa ibang bansa ka na, dapat ito ay consularized o kailangan i-approve ng Philippine Consular Office kaya tinatawag itong Consularized Special Power of Attorney o CSPA.
     
  2. Ihanda ang SPA form
    Kumuha o gumawa ng Special Power of Attorney form at ito ay i-fill out. Kapag ikaw ay nasa abroad na, ang iyong representative sa Pilipinas ang kukuha at mag-fi-fill out ng form at ito ay ipapadala sa iyo. Huwag kalimutan gumawa ng tatlong (3) kopya ng accomplished SPA form. Maraming SPA form template depende sa paggagamitan nito pero maaaring tingnan ang link na ito para sa isang sample. Mahalaga i-provide ang mga sumusunod na detalye:
    1. Pangalan at address ng OFW
    2. Pangalan at address ng representative
    3. Paggagamitan ng SPA 
    4. Petsa at lugar kung saan pipirmahan ang SPA
       
  3. Ihanda ang valid IDs na kailangan
    1. Passport: I-photocopy ang identification, arrival at departure stamps parts nito
    2. Iba pang government-issued IDs
    3. Para sa Consularized SPA, pinapayuhan din na tumawag muna sa embassy para malaman ang iba pang requirements.
       
  4. Ipa-notarized at ipa-consularized ang SPA form
    1. Notarized SPA:  Siguraduhing ang date kung kailan pinirmahan at pinanotarized ang SPA form ay kapareho ng date kung kailan nandito pa ang OFW sa bansa. Maghanda ng pambayad para sa notarization fee.
    2. Consularized SPA: I-notarized muna ang form sa Pilipinas bago ito ipadala sa iyo. Kapag ayos na ang SPA form at nakahanda na ang required valid IDs, dalhin ito sa pinakamalapit na Consular Office or Philippine Embassy para ito ay mapa-consularized. Magsama ng dalawang witnesses with their own valid IDs. Maghanda ng pambayad para sa consularization fee.  Ang halaga ay nakadepende sa bansa at paggagamitan.
       
  5. I-claim ang SPA
    Maaaring representative or ang Attorney-in-Fact ang mag-claim para sa mga Notarized SPA kung sakaling nakaalis na sa bansa ang OFW. Maghihintay naman ng 2 to 3 working days para sa Consularized SPA. Kapag ito ay nakuha na, maari na itong ipadala sa iyong representative sa Pilipinas.
Malaking tulong ang SPA para maisaayos ang iyong documents at requests kapag ikaw ay nasa abroad. Ang mahalaga lamang ay alamin ang proseso at requirements para mapadali ang pagkuha nito.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad