5 Easy Steps Para Maka-Enrol sa TESDA Free Online Learning Program

5 Easy Steps Para Maka-Enrol sa TESDA Free Online Learning Program


Date Posted: March 13, 2020

Mahalaga ang kalidad ng pagiging continuous learner sa bawat tao o ang patuloy na pagkatuto ng mga bagong kaalaman at kakayahan lalo na kung ito ay magbibigay ng pagkakataon sa’yo na matutuhan ang iba’t ibang propesyunal na gawain. Isa sa mga nauusong paraan para matuto ng mga bagong skill ay sa tulong ng online learning programs at trainings.

Kung free o libreng online training ang hanap mo, isa sa mga nagpo-provide nito ay ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Ang TESDA Online Program ay naglalayong bigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga Pilipino, kasama ang mga OFWs, na maka-access ng iba’t ibang technical courses na maaari nilang kunin ng libre at sa kahit na anong oras. If gusto mo itong subukan, narito ang 5 easy steps kung paano ka makaka-enrol:

  1. Pumunta sa registration page
    Pumunta sa link na ito https://www.e-tesda.gov.ph/ at i-click ang "Not yet registered" sa kanang bahagi ng page para makagawa ng bagong account.
     
  2. I-fill out ang online registration form
    I-provide ang mga mahahalagang impormasyon at siguraduhin na ang email na gagamitin ay ACTIVE o kasalukuyang ginagamit pa at madalas nabubuksan. Sa "Learner/Trainee/Student (Clients) Classification” part, piliin ang classification na akma sa’yo. Mayroong sariling option para sa mga OFWs pati na rin sa mga OFW dependents at mga returning o repatriated OFWs. I-click ang "Create my new account" button pagkatapos.
     
  3. I-confirm ang iyong new account
    I-check ang iyong email na inilagay sa new account form para sa confirmation email na ipapadala sa’yo within 24 hours. I-click ang link para ma-confirm ang iyong bagong account.
     
  4. I-check ang listahan ng courses
    Matapos ma-confirm ang iyong account, maaari ka nang pumunta sa listahan ng mga free course na nais mong kunin. Ang ilan sa mga course category ay: Agriculture, Automotive, Electronics, Entrepreneurship, Human Health o Health Care, Information and Communication Technology, Processed Food and Beverages, Maritime, Tourism, at maraming pang iba.
     
  5. Pumili ng course at module
    I-click ang course na napili at dito lalabas ang mga module na maaari mong i-take. Basahin ang detalye ng module at kapag gusto mo na itong kunin, i-click sa kanang bahagi ng page ang "Enroll me in this course" button.

Makakatulong ang mga online course para mas mapalawak pa ang kakayahan ng isang tao. Para sa iba, nagiging daan din ito para ma-develop ang kanilang area of expertise o specialization. Sa panahon na karamihan ng mga impormasyong kailangan natin at pati na mga learning program at training ay nasa Internet o online na, mas madali rin maging updated sa mga in-demand na skills sa iba’t ibang field. At dahil din dito, mas marami rin ang nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho at kumita ng pera.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad